Alalahanin mo, O pinagpalang Birheng Maria, na di kailanman nangyari sa sinumang dumulog sa iyong pagkalinga at nagsumamo ng iyong tulong, mga dumanas ng kabiguan. Pinasigla ng ganitong pagtitiwala, dumudulog ako sa iyp. O Birhen ng mga birhen, aking Ina, sa iyo ako lumalapit; sa harapan mo, nakatayo akong makasalanan at puno ng kapighatian. O Ina ng Salitang nagkatawang-tao, huwag siphayuin ang aking mga pagsamo, at sa iyong habag ay dinggin at tugunin mo ako. Siya nawa. [Dasalin ang tatlong Aba Ginoong Maria at tatlong Luwalhati.] V. Ipanalangin mo kami, aming makapangyarihan na tagapamagitan. R. Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon.
O Panginoon Hesukristo, Tagapamagitan namin sa harapan ng aming Ama, na humirang sa kabanal-banalang Birhen, na Iyong Ina na maging amin ding Ina at aming tagapamagitan sa harapan Mo, ipagkaloob Mo na sinumang lumapit sa Iyo upang humingi ng anumang biyaya, ay magkamit nito sa tulong niya at magkaroon ng kagalakan. Ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Siya nawa.
No comments:
Post a Comment